mfanimated 2

Article Index


MRS. JOSIE CUASAY

Provincial Assesor's Office
5200 Calapan, Or. Mindoro

 
Pagbati! Mabuhay tayong lahat!

Nagpapasalamat po ako sa Panginoon sa lahat ng pagpapala Niya sa amin.
Nakatanggap po ako ng dasalin buhat sa Mother Francisca Commission. Nagkataon na ang lahat kong mga anak ay masasakitin at halos lahat ng kinikita namin ay sa gamot nagagastos.

Noong Biyernes, August 22, sa pag,- uwi ko ng 6:00 p.m., ay naratnan kong, may lagnat ang isa kong anak. Sinabi ko sa husband ko na dalhin na namin sa doktor dahil two days ago lamang, ay may sakit siya at nagantibiotic na. Hindi pumayag ang, mister ko sapagkat alam niya na wala kaming sapat na pera na pampadoktor. Palaging, 39.5 ang .lagnat niya, panay ang punas namin at paglalagay ng malamig na towel sa noo niya. Nakatatlong painom na rin namin ng biogesic ay di pa rin pinapawisan at napakabilis ng tibok ng kanyang pulso. Hatinggabi ay naglaga ang mister ko ng kalamyas na pampunas. Wala pa ring pagbabago. Nagdasal kami na sana ay gumaling na ang anak ko. Ini lay-hands siya ng mister ko. Ginising ko at ginamot din ng anak kong dalaga na a-week ago lamang, ay dumalo sa pranic healing seminar na ibinigay sa mga seminarista

Naisipan kong kunin and dasalin kay Mother Francisca del Espiritu Santo. Nagdasal ako ng taimtim at hiniling ko na tulungang gumaling and anak ko. after more or less 20 minutes, sinimulan na siyang pagpawisan. Alas dos na noon ng madaling araw.
Ano man and nangyari, sino man ang tumulong sa lahat ng hiningan ko ng tulong ng mga banal sa kalangintan, nagpapasalamat ako sa Panginoon sa paggaling ng anak ko at sa lahat ng naging kasangkapan sa paggaling niya. Ngayong araw na ito ay nakakapason na siya.

Nais ko rin pong humingi sa inyo ng tulong...

Maraming salamat!
Mrs. Josie Cuasay

content